CLARK FREEPORT – Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat si Clark Development Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Noel F Manankil sa mga miyembro ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) para pangunahan ang Philippine Accountancy Week ngayong taon.
Si Manankil na isang Certified Public Accountant (CPA) at tumatayong presidente ng Government Association of Certified Public Accountants (GACPA) – Pampanga Chapter. Sa isang maikling video message, nabanggit nito ang kahalagahan ng nasabing selebrasyon ng kanyang mga kapwa CPA.
“Over the years, the annual celebration of the Philippine accountancy week has brought us together to honor our significance and contributions to nation building,” saad niya.
Ang Philippine Accountancy Week ay ginugunita sa bansa magmula nang ilabas ng Malacañang ang Proclamation No. 218 series of 2002 na nilagdaan noong July 10, 2002, na idinedeklara ang Accountancy Week Celebration (AWC) tuwing ikatlong linggo ng Hulyo.
Ang isang linggong selebrasyon ngayon taon ay may temang ““Filipino CPAs rising in solidarity amidst challenging times” na magsisimula sa Hulyo 12 hanggang Hulyo 18, 2020.
Kaya labis ang pasasalamat ni Manankil sa PICPA, ang umbrella organization ng GACPA, at kanilang partner association para itulak ang nasabing selebrasyon sa gitna ng pandaigdigang pandemya.
“Despite the challenges brought about by the Covid pandemic, PICPA pushed through to commemorate this year’s Philippine Accountancy Week. Though it may be in a different form, yet the substance remains the same – that is to foster greater cooperation and camaraderie,” sambit ni Manankil.
Ang selebrasyon ng Philippine Accountancy Week ay upang kilalanin ang mga naiambag ng Filipino CPA, para sa ikabubuti ng ating ekonomiya at ng buong bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA