PINAGBAWALAN na ring makapasok ng Pilipinas ang mga dayuhan mula sa anim pang bansa na may COVID-19 variant.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, kasama sa mga bansa na hinigpitan ay ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.
“The travel ban to these six countries started today, at midnight,” wika ni Morente.
Ang anim na mga bansa ay bagong kabilang sa 21 na bansa na nauna nang inanunsiyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na mapagpapatupad ng travel restriction papasok sa Pilipinas.
Ang naturang restrictions ay magsisimula bukas January 8 hanggang sa January 15, ngayong taon.
Samantala, exempted naman sa travel restrictions ang mga local at foreign diplomats, international organization at mga holder ng diplomatic passport.
Kasama rin sa mga exempted ang mga foreign dignitaries, at mga may medical emergency cases.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE