Dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, ang pinakamataas sa Metro Manila.
“In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost four times. We cannot be complacent. We need to implement additional measures to keep our people safe, especially the children and vulnerable sectors,” paliwanag niya.
“Each of us wants our life to go back to normal. However, we are facing a pandemic and we need everyone’s support and cooperation in keeping each other safe,” dagdag niya.
Nauna rito, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpasa ng resolusyon na pumapayag sa mga kabataang edad 5 pataas na maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.
Ani Tiangco, ang Navotas ay naghahanda na sa pagpapatupad sa naturang polisiya subalit, nagpasyang pigilan ito dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.
“Our barangays have already sent a list of areas we could open for children. Unfortunately, our cases have gone up that’s why we needed to defer its implementation,” aniya.
“We understand the clamor of some parents to allow children to go out. In as much as we want them to enjoy being outside, we also want them to remain safe in their homes and not risk contracting the disease,” dagdag ni Tiangco.
“Life is at stake. Let us protect each other by following the health protocols, especially the proper wearing of face mask, and doing our utmost to prevent getting infected or infecting others,” sabi pa niya. Hanggang July 18, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,244 cases, 10,713 dito ang mga gumaling, 154 ang active, at 377 ang mga namatay.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE