Hindi bababa sa 22 katao ang patay at mahigit 60 naman ang napabalitang sugatan sa nangyaring mass shootings sa iba’t ibang lugar sa Lewiston kabilang ang isang bowling alley sa Maine, United States.
Ayon sa isang social media post ng Lewiston Police Department kinilala ang gunman na si Robert Card, 40 years old.
Inabisuhan ng Maine State Police ang mga naninirahan malapit sa nangyaring insidente na manatili na lamang muna sa loob ng kanilang bahay at panatilihing naka lock ang kanilang mga pinto dahil on loose pa rin ang shooter.
Nag-alok naman ng full federal support ang White House sa nangyaring mass shooting sa lugar kung saan nakausap na ni US President Joe Biden si Maine Governor Janet Mills.
Matatandaan noong 2017 ang deadliest mass shooting sa US na hindi bababa sa 58 ang katao ang namatay sa isang country music festival sa Las Vegas.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI