November 5, 2024

22 KOOPERATIBA PINARANGALAN NG VILLAR SIPAG

Binigyan ng Villar SIPAG Awards on Poverty Reduction ng parangal ang 22 kooperatiba sa kanilang tulong upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng kanilang mga kasapi.

Pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar ang virtual handover ceremony sa mga kooperatiba na nagmula sa iba’t ibang lugar sa bansa. Itinampok din ang pagdiriwang ng kaarawan ni dating Senate President Villar, founding chairman ng Villar SIPAG.

Tumanggap ng tig-P250,000 cash mula sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) ang mga awardee.  Tatlong kooperatiba na may special citation ang tumanggap ng tig-P100,000 cash.

“Cooperatives play a significant role toward realizing the aspirations of our countrymen, especially those from the rural areas. They are the true epitome of Sipag at Tiyaga, values that have helped me succeed in my career as a businessman and a public servant,” ayon kay dating Senate President Villar.

“Through this recognition, we hope to inspire and encourage cooperatives to continue with their work to uplift the lives of their communities,” sabi naman ni Sen. Cynthia Villar, director of Villar SIPAG.

Isa mga awardee ang Golden Group Gabay Puhunan Brotherhood MPC mula sa San Fernando City, Pampanga.  Nagsimula ang credit cooperative noong 1990 kung saan pinagsama-sama ng 15 market vendor ang kanilang resources para tulungan ang isa’t-isa na mapabuti ang kanilang kalagayan. Nagkaroon sila ng “paluwagan” na may mababang interes at tinangkilik ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Dumami ang bilang ng mga kasapi na mahigit 5,000 na kinabibilangan ng market vendors, magsasaka, mangingisda, service providers, at micro-, small-, and medium-sized enterprises (MSME), na may total asset na P796 milyon.  Lumawak ang kooperatiba na ngayo’y may mga kasapi na real estate at solar power generation sa kanilang negosyo. 

Ang isa pang awardee, ang CAMSUR Multipurpose Cooperative mula sa Pili, Camarines Sur, ay sumusuporta sa kanilang mga magsasaka at MSME members. Sa ngayon, meron na itong 2,500 kasapi simula nang itatag noong 2000.

May asset na P195 milyon, tumutulong ito na magbigay ng trabaho at oportunidad sa negosyo, at mapanatili ang farm production ng mga kasapi. Tinuruan din ng grupo ang kanilang mga kasapi ng entrepreneurial skills at financial literacy habang isinusulong ang organic fertilizers production para mapaganda ang kondisyon ng lupa.

Ang 2020 winners ng Villar SIPAG awards sa poverty reduction ay ang mga sumusunod:

1.  Mandaluyong Traders Development Cooperative

(Inocentes street, Barangay Pag-asa, Mandaluyong City)

2-SEGUNDA MANA (2002 Jesus Street, Pandacan, Manila

c/o Father Anton Pascual)

 3. LAMUT GRASSROOTS SAVINGS & DEVELOPMENT COOPERATIVE   (LAGSADECO) (Poblacion East, Lamut, Ifugao)

4. Piddig Bassi Multipurpose Cooperative (Barangay 2, Anao, Piddig, Ilocos Norte)

5. GOLDEN GROUP GABAY PUHUNAN BROTHERHOOD MPC  (Del Pilar, San Fernando City, Pampanga)

6. CANIOGAN CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE (City of Malolos, Bulacan pero may 11 branches sa Bulacan)

7. TAYTAY DEVELOPMENT COOPERATIVE (Taytay, Rizal)

8. TAYABAS COMMUNITY MULTIPURPOSE COOPERATIVE

(Quezon Avenue, San Roque Zone 1, Tayabas City, Quezon)

9. YAKAP AT HALIK MULTIPURPOSE COOPERATIVE

(Barangay Walay, Padre Burgos, Quezon)

10. CAMSUR MULTIPURPOSE COOPERATIVE

(Pili, Camarines Sur)

 11. BARCELONA DEVELOPMENT COOPERATIVE or BADECO (Poblacion Sur, Sorsogon)

12. LEZO MULTI PURPOSE COOPERATIVE

(Poblacion, Lezo, Aklan)

13. FIRST CONSOLIDATED COOP ALONG TANON SEABOARDS (Toledo City, Cebu)

14. PALOMPON COMMUNITY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE (Rizal Street, Palompon, Leyte)

15. ALMERIA SEAFARERS MULTIPURPOSE COOPERATIVE (ASEMCO)(Poblacion, Almeria, Biliran)

16. Cassava Growers Processor Association or CAGAPA

(Dapitan City, Zamboanga Del Norte)

17.PANABO MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

(Panabo City, Davao Del Norte)

18. Kapalong Cooperative (Kapalong, Davao Del Norte)

19.  San Francisco Growth Enhancement Multipurpose Cooperative (San Francisco, Agusan Del Sur and now has branches in Caraga, Compostella Valley and in Misamis Oriental).

Tumanggap din ng special awards ang Nagbacalan Loom weavers Multipurpose Cooperative sa Barangay 22, Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte; Samahang Magpapatubig ng Mansalay, Inc. sa Barangay Roma, Mansalay, Oriental Mindoro at   Ig-Abai Small Farmers Coconut and Agricultural Organization sa Balabagan, Lanao Del Sur. Layunin ng Villar SIPAG or Social Institute for Poverty Alleviation and Governance ang maiahon ang mga Filipino mula sa kahirapan at kagutuman.