Inilabas ng Philippine Sports Hall of Fame ang 10 bayani ng sports para sa induction ngayong taon.
Ang mga inductess ay sina Paulino Alcantara (Football), Eric Buhain (Swimming), Dionisio Calvo (Coach-Basketball & Football). Arianne Cerdena (Bowling), Robert Jaworski (Basketball), Gertrudes Lozada (Swimming), Elma Muros-Posadas (Athletics). Rogelio Onofre (Athletics), Leopoldo Serrantes (Boxing) at Roel Velasco (Boxing).
Ang napiling 10 ay nasala mula sa 44 nominees. Sila ay makatatanggap ng P200,00 cash gift.
“It’s been a pleasure. Na-apreciate ko ang review committee, malaking tulong. Salamat sa inyong recommendation.”
“I am glad that a new batch of people who fought for the country and sacrificed a lot will be given recognition to inspire the new generation of sports heroes,” ani Games and Amusements Board chairman Baham Mitra.
Ang selection committee, sa ilalim ng Republic Act 8757 or the Philippine Sports Hall of Fame Act, ay pinamumunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez. Kasama si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino as vice chairperson.
Ang pagbibigay ng parangal sa 10 hall of famers ay idaraos sa pamamagitan ng face-to-face virtual ceremony.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!