Tuluyan nang na-ratipikahan ng Kamara ang 2021 national budget na hinimay sa bicameral conference committee.
Nitong Miyerkules ng gabi nang ganap itong mapagbotohan ng mga miyembro ng lower House, bagay na umani ng malakas na suporta.
Habang sa panig ng Senado ay mahigpit pa ang naging debate sa pagtalakay ng bicam report.
Isa sa inalmahan ni Sen. Panfilo Lacson ang pag-angat pa sa P694.822 ng pondo para sa DPWH, mula sa P666.474 billion na kanilang natalakay.
Pero inilatag naman ni Senate finance committee chairman Sen. Sonny Angara ang mga rason sa naturang mga pagbabago.
Habang sa Kamara naman ay naging usapin ang hindi pantay na paglalaan ng pondo sa mga proyekto.
Pero iginiit ni House committee on appropriations chairman Rep. Eric Yap na malabo naman talagang maging pantay-pantay ang infrastructure allocations sa iba’t ibang congressional districts sa ilalim ng P4.5-trillion proposed national budget para sa 2021.
Ayon kay Yap, may ibang distrito na tumaas ang infrastructure allocation, jabang mayroon namang maliit.
Kinonsidera aniya nila sa pamamahagi ng pondo para sa infrastructure projects ang ilang big ticket Build, Build, Build projects sa iba’t ibang distrito sa bansa.
“Sa Albay, may ginagawa po tayong expressway dito, normal po na tataas. Katulad sa Benguet, mayroon po tayong nagko-collapse na kalsada even without typhoon ha, without calamity nagko-collapse ‘yun dahil mountainous ‘yung lugar na ‘yun,” ani Yap.
Bago ito, sinabi rin ni Lacson na ang mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco ay nakatanggap ng dagdag na pondo para sa kanilang infrastructure projects habang nabawasan naman ang sa kakampi ni dating Speaker Alan Peter Cayetano. Samantala, sa hiwalay na pahayag, tiniyak naman ni Sen. Angara na walang “pork” sa 2021 budget.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA