
Hindi muna matutuloy ang 2021 AVC Asian Women’s Volleyball Championships na idaraos sa bansa ngayong taon. Ito’y bunsod ng patuloy pang paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Turan ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) official , ipinagpaliban muna ang nasabing torneo.
Nakatakda sana ang hosting ng bansa sa October 24-31. Para masiguro ang kaligtasan ng mga players, sa susunod na taon na lamang ito gagawin.
“The Asian Seniors Women’s Championship is rescheduled next year. No date announced yet,” ani National Teams Commission chairman Liao.
Ang Pilipinas ay kabilang sa Pool A kasama ang Chinese-Taipei, Kazakhstan at Uzbekistan. Bubuuin sana ang torneo ng 8 teams na idaraos sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo