November 23, 2024

2020-2021 NBA season, magbabalik action na

Ilang tulog na lang at balik action na ang 2020-2021 NBA season. Halos dalawang buwan nagpahinga ang liga.

Pero, after nun, muli nating makikita ang mga paborito nating players at teams. Ang December comeback ng bagong season ng NBA ay late na kung tutuusin.

Kung di lang dahil sa COVID-19 pandemic, tapos na ang NBA finals noong June 2020. Pero, itinigil ang liga noong Marso. Nagbalik ito noong July sa bubble format.

Sa darating na NBA season, bubble type pa rin. Pero, ang kaibahan, home and away format ang type ng laro.

Sa gayun ay makaiwas peligro pa rin sa virus. Ang tanong, anu-anong team kaya ang aalagwa?

Sa East at West? Ayon sa nakausap natin, suki pa rin na papasok sa Top 8 sa East ang Milwaukee Bucks.

Gayundin ang Miami Heat, Toronto Raptors, Boston Celtics, Brooklyn Nets. Washington Wizards, Orlando Magic at Philadelphia 76ers.

Sa West naman, Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Denver Nuggets, Utah Jazz. Portland TrailBlazers, Dallas Mavericks, New Orleans Pelicans at Golden State Warriors.

Sa December 28 pa ipalalabas sa atin ang laro sa NBA. Kaya, kahit may pandemya pa, magiging masaya kahit paano ang pagsalubong natin sa New Year.