April 27, 2024

20 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 BUS SA QUEZON AVENUE

Larawan mula sa ABS-CBN

Nilapatan ng agarang lunas ang 20 pasahero na nasugatan matapos ang banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA sa lungsod ng Quezon nitong Linggo ng gabi.

Naganap ang aksidente sa flyover sa bahagi ng EDSA-Quezon Avenue dakong alas-9:30 nitong Linggo ng gabi.

Agad na dumating naman ang mga rescue groups at dinala sa pagamutan ang mga sugatang pasahero. Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.