SHOOT sa selda ang dalawang wanted persons, kabilang ang isang bebot matapos madakip ng pulisya sa magkahaiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy., Maysan ang presensya ng 57-anyos na mister na akusado dahil sa kasong homicide.
Inatasan ni Col. Cayaban ang Detective Management Unit (DMU) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na kabilang sa talaan ng mga most wanted persons sa lungsod.
Kasama ang mga tauhan ng R-PSB Team 12 ng Northern Police District (NPD), agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang DMU na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:40 ng umaga sa Maysan Service Road, Brgy., Maysan.
Binitbit ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City noong November 5, 2024, para sa kasong Homicide.
Alas-4:00 ng hapon nang maaresto naman sa San Agustin St., Brgy. Karuhatan ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section(WSS) ng Valenzuela police ang 29-anyos na bebot na wanted sa kaso ng pagbebenta ng ilegal na droga. Ang akusado ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Anne Beatrice Aguana Balmaceda ng RTC Branch 200, Las Piñas City noong October 3, 2024, para sa paglabag sa Sec. 5 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA