ARESTADO ang dalawang wanted persons ng mga operatiba ng Valenzuela police sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Navotas Cities.
Ayon Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa F. Bautista St., Corner Cuadra St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cesarzon De Chavez, 37 ng Brgy. Ugong dakong alas-3:30 ng hapon.
Si De Chavez na listed bilang most wanted sa lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), and Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, alas-10:26 naman ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO si Jeffrey Reyes, 40 ng 794 Puso St., Brgy. Coloong 1, Valenzuela City sa joint manhunt operation sa Rapide Auto Service Car Repair sa M. Naval Street, Navotas City.
Si Reyes ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 17, 2022 ni Judge Bethany V. Conde-Punzalan ng Metropolitan Trial Court Branch LXIX (69), Pasig City para sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA