ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong mga suspek na sina Ronel Erma, 29, vendor Blk 12 Sawata C3 Road, Dagat-Dagatan, Caloocan City at Mark Juanerio alyas “Atong”, 31, ng Blk 26 Lot 90 Phase 2 Area 1 Brgy. NBBS, Dagat-Dagatan.
Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na nagbebenta umano ng droga ang mga suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr laban sa mga ito.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinakip ng mga operatiba ang mga suspek sa Tanigue Ext., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan dakong alas-9:35 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang P107,440.00 halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money, coin purse at P200 recovered money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA