KALABOSO ang dalawang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang delivery rider na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni Janreb Lucero, 34, delivery rider ng Phase 5A Package 1 Block19 Lot 35, Brgy. 176 kaya isinailalim siya ng mga operatiba sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano, katulong ang 3rd MFC, RMFB ang buy bust operation sa Phase 7B Package 1, Brgy. 176 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lucero matapos bintahan ng P74,500.00 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-4:00 ng madaling araw.
Nakuha kay Lucero ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340, 000.00, at buy bust money na isang P500 bill at 74-pirasong P1,000 boodle money.
Nauna rito, nadakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Domato Avenue, Phase 12, Brgy. 188 bandang alas-11:00 ng gabi, si Jhonna Molinas, 33 ng Phase 12, Riverside, Tala.
Nakumpiska sa bebot ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P136,000, marked money na isang P500 billa, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money at coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag