BUMULAGTA ang dalawang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
Unang napatay sa operasyon ng Manila Police District-DPIOU at District Special Operation Unit ang suspek na si Romualdo Borja, ng Blk. 15 – B Gasangan St., Baseco Compound, Port Area.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-7:50 ng gabi ni PMSgt Lester Caguintan na umaktong buyer at PSSg Ronnie Tan na umagapay sa kanya. Nang matunugan ng suspek na pulis ang kanyang kausap, bumunot na ito ng baril at pinaputukan sila subalit hindi tumama, dahilan para gumanti ang mga pulis.
Dinala ng mga pulis ang suspek sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero hindi na ito nabuhay.
Samantala, isa pang buy-bust operation ang isinagawa dakong alas-7:28 ng gabi sa Blk. 1, Dubai Street sa Baseco Compound, kung saan isang alyas “Tutay” ang kanilang target.
Nanlaban din ang suspek gamit ang .38 cal. na baril habang naaresto ang kanya umanong kasama sa bahay na nakilalang si Randel Garcia, 26, delivery boy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA