NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Ike, 25, ng lungsod at alyas Ledge, 42, ng Navotas City.
Ayon sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.
Matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek dakong alas-5:54 sa Libis Espina Brgy. 18.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 52 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na Php 353,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P,1000 boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 ong Compehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA