KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos makuhanan ng P2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng malaking supermarket at residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42. ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na pinamumunuan ni P/Capt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation nang magpositibo sa isinagawa nilang validation ang impormasyon na ibinulgar sa kanila ng isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.
Dakong alas-12:44 ng madaling araw nang dambahin dinamba ng mga operatiba ang dalawa nang tanggapin ang P29,000.00 boodle money na may kasamang isang tunay na P1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Robes 1, Brgy., 175 Camarin.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,554,080.00, buy bust money at isang paper bag.
Ipaghaharap ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!