Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P170 libo halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at Sharmaine Vergara, 26 ng Fabye St., Sta. Ana Manila.
Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA