SUGATAN ang dalawang lalaki matapos sumabog ang isang liquefied petroleum gas (LPG) sa Malate, Maynila kaninang umaga.
Inoobserbahan na ngayon sa Philippine General Hospital sina Jerson Panong, isang aircon technician, ng 2566- A Singalong St., Malate at si alyas ‘JR’, isang helper.
Kabilang din sa napinsala sa nasabing pagsabog ang isang sasakyan at motorsiklo.
Ayon sa ulat ng Manila Police District – Station 9, dakong alas-5:30 ng umaga nang marinig ang pagsabog sa nasabing lugar. Agad na tumawag ng saklolo si Barangay Kagawad Ramilito Morales ng tulong sa pulisya.
More Stories
AI HINDI GANAP NA IPAGBABAWAL PARA SA 2025 ELECTIONS CAMPAIGNS – COMELEC
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN