Sugatan ang dalawang katao habang nasira naman ang limang bahay at inanod ang sampung sasakyan matapos bumagsak ang isang water tank dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Lilac Street, Phase 1, Palmera, Barangay 175.
Kaagad namang nagpadala ang Pamahalaang Lungsod ng dalawang water tanks para masuplayan ng tubig ang mga apektadong residente at ipinag-utos din niya sa DPSTM ang agarang paglilinis ng mga debris.
Nangako naman ang Prime Water, ang siyang nagpapatakbo sa bumagsak na water tank, na sasagutin nito ang pagpapagamot sa dalawang nasugatan na nagtamo ng mga galos dahil sa insidente, gayundin ang pagpapasaayos ng mga nasirang bahay at mga sasakyan.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR