May 20, 2024

2 sangkot sa droga nasakote sa Valenzuela buy bust

Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga kabilang ang isang ginang sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Maribel Gamayon, 45 at Roy Lachica, 45, kapwa ng Molina St. Veinte Reales.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 12:01 ng hating gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa 148 Block 4 Molina St. kung saan isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba at sinunggaban si Gamayon at Lachica.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot bsa 7 gramo ng shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, buy-bust money, cellphone at P2,600 bills. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.