Nasakote ng mga operatiba ng Caloocan Police SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36, Caloocan City si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). Nakuha sa kanila ang isang baril na may limang bala at P68K halaga ng shabu. (RIC ROLDAN)
Timbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).
Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.
Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE