NAIS ng dalawang lalaking Pinoy na incorporators ng Zun Yan POGO (Philippine offshore gaming operator) sa Bamban, Tarlac na maging state witness, bagay na pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ).
“We are assessing them in coordination with their counsel,” ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Ty, hepe ng Inter-Agency Council Against Trafficking.
Sina Roderick Pujante at Juan Miguel Alpas, na nag-alok maging state witness, ay kabilang sa tatlong incorporators ng Zun Yuan POGO, na itinayo noong Hunyo 2023. Nang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng mga ito na na-misled lamang sila ng kapatid ng kanilang co-incorporator na si Jamielyn Santos Cruz.
Tatlo sa kanila, at ang sinibak na si Bamban Mayor Alice Guo ay naghain ng not guilty noong Biyernes, para sa kasong human trafficking na nakabinbin sa Pasig City Regional Trial Court Branch 167.
“Ginamit lang po kami dito. Pinapirma po kami dito ni Jeremy Santos, si Jeremy Santos po asawa po siya ni Patty Santos, chief-of-staff ni Mayora Alice Guo. Si Jeremy Santos kapatid niya po si Jamielyn Santos, papatunayan na lang po namin, mag-eexplain na lang po kami sa court,” ayon sa isa dalawang lalaking incorporators.
Iginiit naman ni Cruz na legal ang negosyo na Zun Yuan, Matatandaan na sinalakay noong Marso 2024 ang Zun Yuan na nakitaan ng ebidensiya ng scamming operations at torture.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM