November 17, 2024

2 PINAY NA PAPUNTANG HK DINAKMA SA NAIA

INARESTO ng mga operatiba ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babaeng Pinay na papuntang Hong Kong.

Nag-ugat ang pag-aresto dahil nakabinbin nilang kaso na lascivious conduct sa  Regional Trial Court sa Negros Occidental.

Pinuri ni P/BGen Christopher Abrahano, acting director ng AVSEGROUP, ang matagumpay na operasyon.

“Today’s successful apprehension of the suspects is a testament to the seamless collaboration and preparedness of our Group at NAIA to ensure that such offenders are held accountable for their actions,” ayon sa opisyal.

Napag-alaman na ang dalawang Pinay na may edad 34 at 27, kapwa tiga-Bacolod City, ay nadakip bago sila makasakay sa kanilang flight papuntang Hong Kong.

Inaresto sila dahil sa paglabag sa lascivious conduct sa ilalim ng section 5(b) ng R.A/ 7610, na may piyansa na inirekomenda sa halagang P80,000 bawat isa.

Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng mga miyembro ng NAIA Terminal 3 Police Station, Aviation Security Unit NCR, at Barbosa Police Station 14, Manila Police District.