HALOS isang buwan na ang nakalilipas nang salantain ng mapaminsalang mga bagyo ang Bicol Region, kaya naglaan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pagpapatayo ng dalawang multi-purpose evacuation centers (MPEC) na magagamit sa oras ng kalamidad sa lalawigan.
Itatayo ang dalawang MPECs sa Brgy. Homapon sa Legazpi City at Brgy. Tomolin sa Ligao, Albay, na makatatanggap ng tig-P50 milyon na pondo mula sa PAGCOR.
Sa ginanap na groundbreaking ceremony ng dalawang MPECs noong Disyembre 11, 2020, binigyang diin ni PAGCOR President at Chief Operating Officer Alfredo Lim ang kahalagahan na magkaroon ng permanenteng evacuation centers sa Bicol Region lalo na’t isa ito sa madalas tamaan ng bagyo sa bansa.
“While Bicolanos are used to these typhoons including the damages to people and properties, it has become evident in the past years that typhoons are becoming increasingly powerful and the people are becoming more vulnerable,” saad niya.
Dagdag ni Lim na sa tuwing may malakas na bagyo, marami sa mga kababayan natin ang inililikas sa mga pampublikong eskwelahan na ginagawang evacuation centers, na nagiging dahilan para mahinto ang klase sa loob ng ilang araw o linggo.
“Through the MPEC project, many locals in vulnerable communities who could not afford to build typhoon-resilient houses will have a decent place to go to. This permanent evacuation center could help save lives whenever disasters strike,” paliwanag niya.
Samantala, dumalo rin sa groundbreaking ceremony sa Brgy. Homapon si Legazpi City Mayor Noel Rosal na nagpahayag ng pasasalamat sa PAGCOR dahil sa isinama ang kanilang siyudad sa mga prayoridad sa listahan ng mga lugar na makatatanggap ng MPEC.
“This evacuation center will be a great help to our city. Legazpi is not only located in the typhoon belt; it is also under the constant threat of volcanic eruption, flooding, and landslides because Mayon Volcano remains to be an active volcano. This structure will help us mitigate the impact of disasters in the long term,” paliwanag niya.
Para naman kay Ligao City Mayor Patricia Gonzalez-Alsua, malaking tulong sa kanila ang MPEC upang tugunan ang pangangailangan ng mga taga-Ligao na kailangan ilikas sa mga ligtas na lugar kapag mayroong bagyo at volcanic eruptions.
“This PAGCOR MPEC is well-designed and has the technical requirements that are needed in an evacuation center. Sa ngayon kasi, kapag nagi-evacuate kami, kadalasan sa mga residente ay nilalagay sa mga barangay hall at schools. There was even a time when evacuees stayed in the evacuation centers for almost three months because of the Mayon Volcano eruption. So, ‘yung mga estudyante, hindi maibalik sa normal ang klase dahil may gumagamit sa classrooms nila.” Wika niya.
Ang MPEC na itinatayo sa Albay ay bahagi ng paunang P2 bilyon na alokasyon ng PAGCOR para sa pagpapatatayo ng permanenteng evacuatuion centers sa buoang bansa.
Para sa first tranche ng proyekto, inaprubahan ng PAGCOR ang 32 MPECs na itatayo sa 31 lugar.
Bukod sa Albay, kabilang din sa mga lugar na mapagkakalooban ng MPECs ay ang Aurora, Batangas, Camarines Sur, Capiz, Ilocos Sur, Laguna, Mountain Province, Marikina, Northern Samar, Oriental Mindoro, Pampanga, Quezon, Romblon, Rizal, Southern Leyte, Tarlac at Zamboanga del Sur.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?