NADAKIP ng pulisya ang dalawang wanted persons, kabilang ang isang babaeng privet tutor sa magkahiwalay na manhunt operations sa Malabon at Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nagsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint police operation kontra wanted persons.
Nadakip sa naturang operation ang akusadong si Monica Louise Consulta, 24, private tutor at residente ng No. 5 Rustia St., Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City dakong alas-10:40 ng umaga sa Gov. Pascual, Brgy. Concepcion.
Ayon kay Col. Daro, ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 153, Taguig City, para sa kasong Qualified Theft (RPC ART. 310)
Sa Valenzuela, alas-11:20 naman ng umaga nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Valenzuela Police WSS sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista at 5th MFC, RMFB, NCRPO sa manhunt operation sa Area 4, Pinalagad Dumpsite, Barangay Malinta ang akusadong si Christian Kian Paurillo alyas Christian Paurillo, 21.
Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvadro Destura Jr, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City RTC Branch 270, noong May 11, 2023, para sa paglabag sa Sec. 5 (b) of R.A 7610- Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO