January 23, 2025

2 most wanted persons sa Valenzuela, arestado

Person in handcuffs

DALAWANG most wanted persons ang bagsak sa kalaboso matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela at Caloocan Cities.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na dakong alas-12:50 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa isinagawang manhunt operation sa Payapa St., San Vicente Ferrer, Brgy., 178 Camarin Caloocan City ang akusadong si alyas “Rommel”.

Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnation Gepty ng Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Valenzuela City noong March 14, 2023, para sa kasong Homicide.

Nauna rito, alas-3:20 ng hapon nang matimbog naman ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Lorex St., Brgy., Gen. T. De Leon, Valenzuela City ang isa pang akusado na si alyas “Arman”.


Ani Col. Destura, si ‘Arman’ ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng RTC Branch 270, Valenzuela City noong October 22, 2022, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (b) of R.A 7610 as amended by R.A 11648.