PINAGTULUNGAN bugbugin ng isang grupo ng kalalakihan ang dalawang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang magsagawa ng clearing operation sa Pasay City.
Sa kuha ng isang pasahero ng MRT3, makikita kung paaano kuyugin ang dalawang MMDA enforcer.
Makikita rin na napahiga pa ang dalawa dahil sa dami ng tinamong suntok at tadyak habang patuloy na inuupakan.
Kita rin na sinubukan pang awatin ng isa nilang kasamahan na MMDA enforcer ang gulo pero maging siya ay hinabol ng pamalo.
Agad na dinala ang dalawang MMDA enforcer sa malapit na ospital matapos ang nangyaring bugbugan.
Lumalabas sa imbestigasyon, na nasasagawa ang mga tauhan ng MMDA ng clearing operation laban sa mga e-trike na dumadaan sa EDSA kung saan sila ay bawal.
Nahatak na raw ng mga taga-MMDA sa kanilang truck ang e-trike pero puwersahan itong binawi ng mga lalaki. Nang pipigilan na sila ng MMDA ay doon na raw nagsimula ang gulo.
Ayon sa pulisya, kilala na nila ang ilan sa mga nambugbog at hinahanap na nila ang mga ito.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA