
Kulungan ang bagsak ng dalawang magnanakaw matapos hindi sinasadyang maibenta ang ninakaw na motorsiklo sa tunay na may-ari nito ngayong Biyernes.
Walang kawala sina Mosram Adam at Sul Kipos, kapwa residente ng Pikit, Cotabato, sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Cotabato City Police Presinct sa pangunguna ni Major John Vincent Brabo, sa tulong ni Alliudin Aliman, may-ari ng ninakaw na motorsiklo na Honda XRM 125.
Hindi alam ng dalawa na si Aliman ang may-ari ng motorsiklo na na kanilang ninakaw ilang araw ang nakararaan habang naka-park sa kalsada sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato.
Ikinasa ang entrapment operation matapos malaman ni Aliman na ipinost nina Adam at Kipos ang larawan ng kanyang nawawalang motorsiklo sa Facebook at may nakalagay na caption na “for sale” na may kasamang contact number.
Kaya nagpanggap si Aliman na bibilhin niya ito at sa tulong ng mga awtoridad ay naibalik sa tunay na may-ari ang motorsiklo.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa police detention facility habang hinihintay ang utos ng hukuman.
More Stories
EcoWaste Coalition Nanguna sa Post-Election Clean-Up
Mayor Joy Belmonte, Tinalaga Bilang Ganap na Panalo sa 2025 Elections
DOST REGION 2, ISU AT BIRDC INILUNSAD ANG PHASE 2 NG DIGITAL TRAINING PARA SA MSMEs SA CAGAYAN VALLEY