
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos mag-amok habang iwinawasiwas ang dalang baril sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155, RPC at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to Omnibus Election Code ang mga suspek na sina Manuel Abella alyas Ugi, 42, Aljon Gilbuena, 29, kapwa residente ng Brgy. NBBB.
Sa report ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa Brgy. NBBN, alas-10:30 ng gabi nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang hinggil sa dalawang lalaki na nanggugulo sa naturang lugar kung saan isa sa mga ito ay armado ng baril.
Kaagad namang pumunta sa nasabing lugar ang mga pulis at naabutan nila ang mga suspek na nagsisigaw at naghamon ng away habang iwinawasiwas ni Abella ang hawak na baril.
Hindi naman pumalag ang mga suspek nang lapitan at arestuhin nina PSSg Joey Ang at Pat Mark Brian Bautista kung saan nakumpiska kay Abella ang isang improvised firearm (pen gun) na may isang bala.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN