Shoot sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng baril at shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina Ronel Oliva, 31, at Jomar Fausto, 42, kapwa ng Brgy. 35 ng lungsod.
Sa nakarating na report kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, dakong alas-8 ng gabi, nakatanggap si PSSg Marco Despojo ng District Intelligence Division (DID) ng report mula sa kanyang regular informant na si alyas “Ambo”, leader ng “Oliva Group” ay nakitang may kausap na isang hindi kilalang lalaki sa Taguig St. Brgy. 35, Maypajo habang armado ng baril.
Agad bumuo ng team ang DID sa pangunguna ni PSSg Despojo saka pinuntahan ang nasabing lugar at nakita nila si alyas Ambo na nakaupo sa isang motorsiklong walang plaka habang may nakasukbit na baril.
Nang walang maipakitang kaukulang mga dokumento sa dalang baril ay inaresto si alyas Ambo ng mga pulis at narekober sa kanya ang isang Smith & Wesson magnum 22 revolver na kargado ng 3 bala, dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at kulay orange na Mio Sporty na walang plaka. Nagtangka namang tumakas si Fausto subalit, agad itong napigilan ng mga pulis at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE