December 25, 2024

2 KOTONGERONG TRAFFIC ENFORCER, SINUSPINDE NG MMDA

Sinuspinde ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang dalawang traffic enforcer na nagvirral sa social media ang ginawang pangingikil sa isang motorista.

Ang dalawang suspek ay permanent employees ng ahensya na nakatalaga sa Traffic Discipline Office (TDO) na sina Edmon Belleca at Christian Malemit ay pansamantalang sinuspinde habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa extortion na kinasangkutan ng dalawang suspek.

Si Belleca at Malemit ay inilagay sa ilalim ng 90-araw na preventive suspension habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon kung saan nahaharap sila sa kasong extortion, grave misconduct, at iba pang mga pagkakasala na posebling pagkakasibak sa kanilang serbisyo.

Ayon kay Abalos, bagamait galit na galit siya sa ginawa ng dalawang traffic enforcer inatasan niya ang TDO at Legal Department para magsagawa ng masusing imbestigasyon at idadaan sa due process ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang enforcer.

Batay sa kuha ng video na ina-upload ng nagrereklamo na si Miriel Custodio, humingi umano sina Belleca at Malemit ng P1,000 piso bilang bribe money kapalit sa paglabag sa Republic Act 10913 o Anti-Distraced Driving Act at Reckless Driving.

Binigyang diin ni Abalos na hindi kailan man papayag ang ahensya na madungisan ang emahe ng MMDA dahil sa mga maling gawain ng Ilan sa kanilang mga tauhan. Hinimok ni Abalos ang publiko na kung may makita silang mga maling gawain ng mga tauhan ng MMDA ay agad ereport sa kanilang tanggapan upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.