BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang manyakis lalaki na kapwa wanted sa kaso ng pangagahasa matapos madakma sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Malabon Cities.
Ayon kay Caloocan polic chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ni alyas “Ronald”, 43, ng lungsod na akusado sa panghahalay sa isang menor-de-edad na babae.
Kasama ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS10), agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:30 ng hating gabi sa Villa Imelda, Camarin, Brgy., 178.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Doles sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G. Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Statutory Rape.
Sa Malabon, naaresto naman ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan at mga tauhan ng NPD-DSOU sa joint manhunt operation sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Niugan ang 32-anyos anyos na lalaki na residente ng Marilao, Bulacan at akusado din sa panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae alas-3:20 ng hapon.
Ang akusado na nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa lungsod ay pinosasan ng mga tauhan ng Malabon Police WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Salvador ng RTC Branch 73, Malabon City, noong October 22, 2024, para sa kasong Statutory Rape.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA