Kritikal ang dalawang estudyante matapos tamaan ng bumagsak an debris mula sa isang condominium nitong Martes ng hapon, Agosto 12, sa kanto ng Tomas Morato at Roces Avenue sa Quezon City.
Ayon sa mga nakasaksi, naghihintay ng pampasaherong sasakyan ang mga biktima nang biglang bumagsak ang debris mula sa gusali at tumama sa kanila.
Agad silang isinugod sa Capitol Medical Center para magamot.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
