UMABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na sina alyas “Jose Unying”, 57, ng Orchid St., C4 Longos, Malabon City at alyas “Christopher”, 48, (HIV), pedicab driver ng Gulod St., Tugatog, Meycauyan, Bulacan.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez ng buy bust operation sa Sugar St. Llenado Subd. Brgy., Karuhatan kontra kay Unying.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Unying ng P10,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang isang P500 marked money, kasama ang isang P500 at 9-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Kasama ding inaresto ng mga operatiba si Christopher na bumili din umano ng dalawang plastic sachets ng shabu kay Unying.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 35 grams ng hinihinalang Standard Drug Price value na P238,000.00, buy bust money, P700 recovered money, coin purse, cellphone at isang motorsiklo.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA