December 24, 2024

2 drug suspects, huli sa P200K shabu sa Valenzuela

TIMBOG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rey”, 28, tricycle Driver ng Brgy. Malinta at “Nano”, 28, ng San Jose Del Monte Bulacan.

Dakong alas-12:35 ng hating gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa San Francisco St., Brgy. Karuhatan matapos umanong bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 29.56 grams  ng hinihinang shabu na nagkakahalaha ng P201,008.00, buy bust money na isang P500 bill na may kasamang 8-pirasong P1,000 boodle money, P400 recovered money at itim na coin purse. Bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na ang pulisya ng impormasyon hinggil sa umno’y pagbebenta ni alyas Rey ng shabu kaya agad silang bumuo ng team  saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.