November 18, 2024

2 drug pushers timbog sa P140K marijuana sa Caloocan

SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina Jeff Mathew Tresualles alyas “Jeyem”, 23, tricycle driver at John Lester Nicolas, 20, roll up installer, kapwa ng Bagong Silang.

Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano ng buy bust operation sa Phase 7 B Package 3, Brgy. Bagong Silang matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng marijuana ang mga suspek.

Nang tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng marijuana ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,190 kilograms ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijamuana with fruiting tops na may standard drug price value na P142,800, isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money, eco bag at plastic bag.

Nahaharap ang mga sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.