IPINASARA ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang dalawang computer shops dahil walang business permits at pinayagang pumasok ang mga menor-de-edad.
Muling binalaan ni Tiangco ang mga internet cafes, computer shops o piso net na dapat manatiling sarado sapagkat karamihan sa mga batang kliyente ay pinagbabawal na lumabas ng kanilang bahay dahil sa ipinapatupad na 24-hour curfew.
“Nais naming panatilihing ligtas ang aming mga anak sa kanilang mga tahanan. Hindi namin nais ang mga ito sa mga computer shop o sa labas ng mga kalye kung saan maaaring makuha nila ang nakamamatay na sakit,” ani Mayor Tiangco.
“Dapat disiplinahin at bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ang kanilang kapabayaan ay maaaring maging sanhi ng sagabal sa ating laban kontra sa COVID-19,” dagdag niya.
Ang City Ordinance No. 2020-33 ay nagpataw ng 24-hour curfew sa mga residente na wala pang 18-anyos habang ang Navotas ay nasa ilalim ng community quarantine o anumang uri ng lockdown na kailangan national or local government.
Ang mga magulang o guardians na hahayaan ang kanilang mga anak na gumala sa mga lansangan o maglaro sa labas ng kanilang tahanan ay pagmultahin ng P1,000 o P2,000 para sa una o pangalawang paglabag. P3,000 o pagkabilanggo at P4,000 o pagkabilanggo sa pangatlo, ika-apat at mga susunod na pagkakasala.
Mula noong Marso ngayong taon, ang City Business Permits and Licensing Office ay naglabas ng mga abiso sa pagsasara sa 45 na mga computer shop.
Samantala, iniulat ng Navotas City Police kay Mayor Tiangco nung September 6, na 1,187 minors at adults ang naaresto dahil sa paglabag sa curfew ordinance.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA