PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang dalawa pang bagong infrastructure projects, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary ng lungsod.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa bagong gawang Lt. M. De Vera St. sa Brgy. Sipac-Almacen at bagong itinayong multipurpose building sa Navotaas Homes II – Tanza 2.
Ang Lt. M. De Vera St. sa Brgy. Sipac-Almacen ay pinaayos upang magbigay ng mas ligtas at mas mahusay na ruta sa mga motorista at pedestrian. Inayos din ang isang drainge canal para mabawasan ang pagbaha sa lugar.
Samantala, ang bagong 2-story building at Navotaas Homes II – Tanza 2 ay maglalaman ng day care center, opisina ng senior citizens, opisina para sa housing administration, at multi-purpose hall.
Binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng mga proyektong ito sa pagpapaunlad ng komunidad at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Navoteño.
“Improving our city’s infrastructure is more than just building roads and buildings; it represents our vision for a progressive city where Navoteños can thrive and feel safe,” pahayag ni Mayor Tiangco.
“These developments improve public safety and foster a stronger sense of community. By investing in our infrastructure, we are investing in the well-being of every Navoteño,” dagdag niya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI