KALABOSO ang 16-anyos na binatilyo at kasabuwat niyang tambay matapos holdapin at saktan pa ang isang babaing estudyante sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarstong mga suspek na si alyas “Biboy”, 16 at alyas “Jemboy”, 19, kapwa residente ng Flovi 4, Paradise Village, Barangay Tonsuya.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, naglalakad sa Salmon Street, Barangay Longos dakong alas-2:50 ng madaling araw ang dalagang estudyante na si alyas “Cyra”, 18, nang mula sa kanyang likuran ay sumulpot si alyas Biboy at pilit na hinablot ang hawak niyang cellphone.
Pumalag ang dalaga at hindi binitawan ang mobile phone na dahilan para suntukin siya sa sikmura ng binatilyo habang nakamasid sa paligid ang kasabuwat na si alyas Jemboy na armado ng balisong.
Nang makuha ang cellphone ng biktima, agad tumakas ang mga suspek habang nakahingi naman ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Police Sub-Station-5 ang dalaga.
Kaagad hinabol ng mga tauhan ng SS5 ang mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa kanila at nabawi sa cellphone ng biktima habang nakumpiska kay alyas Jemboy ang isang balisong.
Kasong Robbery with violence at paglabag sa B.P. 6 o illegal possession of bladed weapon ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS