CALOOCAN CITY – Dalawang hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa naturang lungsod, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang mga naarestong suspek na sina Ced Kasan, 41, at Totti Unting, 26, kapwa ng Taguig City.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim ang mga ito sa isang lingggo ng validation.
Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Torcillo St., corner C3 Road, Brgy. 28 dakong alas-2 ng madaling araw.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drig price P136,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money at isang kulay metallic gray na Toyota Vios (DBZ-9939).
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY