DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si John Leanard Angcog, 22, at Joseph Angelo Pertis, 23, online seller.
Bandang alas-2:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra kay Angcog na kanilang target sa Perpetua St. Brgy. 27.
Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer kay Angcog ng P7,000 halaga ng marijuana.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 415 gramo ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P83, 000 ang halaga, 8 gramo ng high-grade marijuana “Kush” na nasa P12, 240 ang halaga at buy-bust money kabilang ang isang P1,000 bill at 6 pcs P1,000 fake boodle/money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA