KUMPIRMADO na ang pagsagwan ng 1st Hon. Marjorie Ann Teodoro Invitational Dragonboat Race 2023 sa Marikina Riverbanks sa Hulyo 31 kasabay ng pagsumbat ng Palarong Pambansa na ihu-host ng Marikina City sa Hulyo 31.
Sa pamamagitan ng MoA signing sa pangunguna nina Mayor Marcelino R. Teodoro, Engr. Felix Romeo Maderal, Hadji Tejada, Dr. Eliza Cerveza, Dr. Angelito Llabres at PCKDF top official Coach Len Escollante ay tuluy na tuloy ang karera at sagwan sa Riverbanks ng Marikina sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
“I’m happy and deeply honored that the first Dragonboat race festival will finally held at the riverbanks of Marikina City.
Inaanyayahan natin ang mga Mariqueños na saksihan ang pambihirang kaganapang sagwan at karerahan sa tubigan ng pamosong ilog sa Marikina at kilalaning personal ang ating mga paddlers na ilan sa kanila ay miyembro ng pambansang koponan sa dragonboat”, wika ni Escollante na kagagaling lang mula sa matagumpay na kampanya ng PCKDF Dragonboat national team na nag kampeon pagkalahatan sa Suzhon Creek Dragonboat tournament.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA