SINALUBONG ng malamig na hamog ng umaga ang simbolikong pagratsada ng 19th Asian Games Hangzhou Fun Run na inilarga kahapon ng Philippine Olympic Committee( POC) katuwang ang mga bisita mula Olympic Council of Asia( OCA) at kinatawan ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee( HAGOC) kahapon sa Tagaytay City.
Higit sa 500 runners ang lumahok sa naturang ceremonial campaign na isang paraan ng promosyon sa Asiad na gaganapin sa Setyembre sa China.
“We are proud that the POC,Tagaytay City and the country have become part of the symbolic fun run that’s not only helps promote the Asian Games but also reiterate the Philippines very important and historic role why these very games were organized more than a century ago,” wika ni Tolentino , alkalde rin ng Tagaytay City.
Sumama sa naturang kaganapan ang mga estudyante ng mga piling paaralan sa lungsod ang mga atleta ng bansa na medalists ng nakaraang Southeast Asian Games Cambodia.
“Everything is perfect,Tagaytay is perfect for this fun run”,sambit ni Tolentino bago siya samahan ni HAGOC HR Director Chen Qiufang na i-flagoff ang mga funrunners ng 6 K,3 K at 1K categories.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW