NASAMSAM ng Bureau of Customs-Port of Tacloban sa pakikipagtulungan ng SGS representatives ang 1,900 litro ng kerosene fuel sa isang gas station sa Cabalawan, Tacloban City.
Bitbit ang Letter of Authority and Mission Order na may lagda ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pinangunahan ng Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CISS) ng nasabing port ang pag-iinspeksyon at eksaminasyon ng kerosene.
Kumuha ang mga empleyado ng SGS Fuel Marking ng mga sample ng kerosene upang suriin ang presensiya ng fuel marker, isang chemical unique marker na ginagamit para sa petroleum products upang tiyakin na nababayaran ang duties at taxes.
Nagbunga ang pagsusuri ng initial result na 0% ng presence fuel marker at ipinasa at muling ipinasuri sa Cebu port para kompirmahin. Nakumpirma ng confirmatory laboratory test ang kawalan ng fuel marker.
Sinaksihan ang sampling ng kerosene ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue (BIR), Barangay Chairman ng Cabalawan at ang may-ari ng gas station.
Ang fuel ay subject na ngayon ng Warrant of Seizure and Detention at nasa ilalim ng kustodiya ng BOC-Port of Tacloban para sa prosectution procedure.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI