NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 18 tripulante ng isang barko na sumadsad sa karagatan ng Dumaguete City sa Negros Oriental noong Miyerkules, Hunyo 22.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang lahat ng mga sakay ng MV Fast Cat M6 ay ligtas, matapos mahatak ang barko sa Port of Dumaguete.
Base sa imbestigasyon, nakasagupa ng malakas na hangin at malalaking alon ang barko kaya sumadsad ito. Nasira din nito ang starboard side ng hull.
Walang sakay na pasahero ang nasabing barko nang mangyari ang maritime incident.
Batay sa inisyal na assessment ng Marine Environmental Protection Unit o MEPU-Negros Oriental, walang bakas ng oil spill sa nasabing vicinity waters.
Magsasagawa ng underwater inspection para suriin ang buong kondisyon ng barko.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA