Todas ang isang 18-anyos na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) matapos mabaril sa naganap na police operation kontra sa illegal na tupadahan sa Valenzuela City, Linggo ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa tagiliran si Edwin Arnigo, 18, special education (SPED) student at residente ng Assumption Ville, Brgy. Lingunan.
Humingi ng tulong ang ina ng biktima na si Helen Arnigo kay Mayor Rex Gatchalian para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak na sinabi niya na binaril ng isang police officer na nakasuot ng damit pang sibilyan sa naganap na raid sa isang illegal na sabungan dakong alas-12:30 ng hapon sa isang bakanteng lote sa Assumption Ville.
Sinabi ni Helen kay Mayor Gatchalian na ni-raid ng mga tauhan ng Valenzuela police ang illegal na sabungan at habang nagtatakbuhan ang mga violators ay isang putok ng baril ang narinig at nang hanapin niya ang kanyang anak ay laking gulat nito nang makita si Edwin na duguan habang nakahandusay sa harap ng kanilang bahay.
Sinabi pa nito na ang kanyang anak ay napagkamalan ng raiding team na kabilang sa mga tumatakas na violators.
Sinabi naman ni Gatchalian sa isang panayam sa radio, tatanungin niya si Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. upang imbestigahan ang insidente at ang salarin, lalo na kung siya ay pulis, ay hindi dapat maparusahan.
Samantala, inatasan ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Eleazar ang Internal Affairs Service na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa insidente.
Ito’y matapos matanggap ni Eleazar ang ulat mula sa Valenzuela police na habang nagsasagawa ng pag-aresto ang mga arresting officers, isa sa tatlong violators ang di umano’y inagaw ang service firearm ng isa sa mga pulis na nauwi sa scuffle hanggang sa pumutok ang baril at tinamaan ang isa sa mga suspek na kinilalang si Arnigo.
“The policeman, with a rank of Police Senior Master Sergeant, has already been placed under restrictive custody at the Valenzuela police station and disarmed as a matter of investigative procedure, I have also directed the Internal Affairs Service to conduct a thorough investigation of the incident, specifically aimed at determining if there were lapses in the conduct of the operation. Part of my instruction is to finish the investigation at the soonest possible time.,” pahayag ni Eleazar. “I would like to assure our kababayan of a quick and impartial conduct of investigation regarding this incident. Meanwhile, I ask all persons who witnessed the incident to help us shed light on what happened so that we can quickly and impartially resolve this case,” dagdag ni Eleazar.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda