![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/07/How-to-Stop-Human-Trafficking_AdobeStock_305315957-1024x683.jpg)
CALOOCAN CITY – Na-rescue ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kabataang babae, walo sa mga ito ay mga menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan City.
Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.
Matapos mapatunayan ang ulat, kaagad isinagawa ng pinagsamang mga tauhan ng DSOU, NPD Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni P/Maj. Vicky Tamayo, Sub-Station 9 commander P/Maj. Harold Melgar, team mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at City Social Welfare and Development ang rescue operation sa Blk 41, Lot 22 Road 14, Congress Village Taas, Brgy. 173 dakong alas-6 ng gabi.
Nagawang marescue ng team sa pangunguna ni PLT Pabon ang walong kabataang babae na edad 12 hanggang 17 at isang 18-anyos na dalaga na ginagamit umanong sexually exploitation sa pamamagitan online.
Naaresto din ng mga pulis ang mga hinihinalang mga bugaw na kinilalang si John Mico Atendido, 21, Chris Jayson Magbanua, 18, kapwa ng Block 25, Lot 5 Package 5 Brgy. 176 Bagong Silang at isang 17-anyos na binatilyo.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo Jr, ang mga naarestong suspek ay iprisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9208 as amended by R.A 10364 otherwise known as Expanded Anti Trafficking of Persons Act of 2012.
More Stories
Bong Revilla, Villar at iba pa pormal nang inendorso… MGA PAMBATO NI MARCOS SA PAGKA-SENADOR WALANG BAHID NG DUGO, KORAPSYON
Survivor sa “Superman stunt” sa Marilaque binawian ng driver’s license ng LTO
KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA