December 23, 2024

177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC

UMABOT na sa 117 senatorial aspirant para sa 2025 National and Local Elections (NLE) ang idineklarang ‘nuisance candidates’ base sa rekomendasyon ng Law Division ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, dinesisyunan ng First at Second Divison ng poll body ang motu proprio petition laban sa nasabing 117 senatorial aspirants.

Sinabi niya na maaring iapela ng mga aspirants ang desisyon sa pamamagitan ng paghahain ng “motion for reconsideration’ sa Comelec en banc o humirit ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court.

Napag-alaman na ang na aspirants na idineklarang nuisance ang umapela na sa Comelec en banc.

Matatandaan na umabot sa 183 senatorial aspirants ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sa Comelec para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa nasabing bilang, 66 lang ang idineklarang lehitimong kandidato ng Comelec Law Department  at inaasahang makakasama sa mga listahan ng kandidato sa pagka-senator para sa Mayo 12, 2025 elections. (ARSENIO TAN)