November 18, 2024

17 PINOY SEAMAN LIGTAS – DFA

LIGTAS at inaasahang lalaya ang 17 Filipino seaman na binihag ng rebeldeng Houthi ng Yemen matapos ang kasunduan ng Israel at Hamas para sa apat na araw na tigil-putukan na epektibo ngayong araw.

“It should do some positive notes if it works out because the Houthi rebels have assured, from what we understand, they have spoken to the crewmen who were taken of all countries to assure them… that they will not be harmed. It’s time for diplomacy to work,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo.

Ang mga nasabing Filipino seaman ay kabilang sa 25 crew members na hinostage ng Houthi noong Nobyembre 19. Ang naturang grupo ay suportado umano ng Iran kung saan sinabi nito na sasalakayin nila ang lahat ng sasakyang pandagat na pag-aari ng Israel. Subalit itinanggi ng Israel ang anumang koneksyon sa nasabing vessel.

Ayon kay De Vega, wala namang Filipino ang sinaktan ng mga rebelde at isa sa mga Filipino crew ang nagawang makontak ang kanyang pamilya.

Idinagdag pa ng DFA official na nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno upang makausap ang mga rebelde.